Ang praymer na ito ng SPLIT ay layong makapagbigay ng ideya sa mga susing katangian ng nasabing proyekto–kasama ang disenyo at implementasyon nito. Sa partikular, ibabahagi ng praymer ang mga natuklasan sa isinagawang pananaliksik kasama ang limang lokal na mga samahan ng magbubukid sa Negros Occidental noong huling bahagi ng Agosto 2023. Lumabas sa mga diskusyon kasama ang 70 miyembro ng mga nasabing samahan ang iba’t-iba nilang mga pangamba hinggil sa militarisadong pagpapatupad ng SPLIT sa kanilang mga komunidad at ang masamang epekto nito sa kanilang kaligtasan at kabuhayan. Inilalarawan ng mga kalagayang ito sa Negros Occidental ang tunay na mukha ng SPLIT at ang pagpapatupad nito sa konteksto ng oligarkiya, paglaban sa mga panginoong maylupa at karahasan ng estado.
Magtatapos ang praymer sa panawagan at hamon na palitan ang SPLIT ng tunay na reporma sa lupa na magbibigay sa mga magbubukid ng karapatang mas epektibong mapamahalaan ang sarili nilang lupa. Ito ay mahalagang karapatan ng mga magsasaka upang maisulong ang soberanya sa pagkain ng Pilipinas, sustinableng agrikultura at ang kanilang kolektibong kasanayan sa pagsasaka.
This Tagalog translation was based on, "Decoding the World Bank's SPLIT Project in the Philippines: Resisting Agrarian Injustice."
